“Hay salamat, naayos na rin ang Shibuya. Good work, everyone. Pahinga na tayo,” masayang balita ni GM Amethy sa mga kasama.

 

“GM Amethy, okay ka lang ba? Namumutla at nanginginig ka,” nag-aalalang tanong ni Vesteria.

 

Mahinhing umupo sa bench si GM Amethy. Matagal na s’yang nakakaramdam ng panghihina, mula pa noong unang umatake ang Black Wasp.

 

Pilit s’yang ngumiti. “Okay lang ako, pagod lang--” pero bago pa man n’ya matapos ang sasabihin, nawalan na s’ya ng malay.

 

“GM!” gulat na sigaw ni Vesteria. “Kuya, dali, dalhin natin sa health room si GM Amethy!”

 

Agad na binuhat ni Inkslinger si GM Amethy. Gamit ang campus return card, mabilis n’yang naisugod sa klinika ang walang malay na game master.

 

Pagkatapos ng insidente ay ilang araw na nawala si GM Amethy.  Nabalitaan na lang nina Inkslinger at Vesteria na inilipat na pala sa campus hospital ang dalaga. Ikapitong araw na pero wala pa ring balita tungkol sa kanya kaya naglakas-loob na ang magkapatid na dumalaw sa hospital.

 

“Doc, kumusta na si GM Amethy?” tanong nila sa manggagamot na in-charge sa game master.

 

“Hindi maganda ang kalagayan n’ya. Dahil sa serum, hindi lang ang kapangyarihan n’ya ang nawala…unti-unti ring kinakain ng gamot ang lakas n’ya. Binigyan namin s’ya ng false antidote kaya pansamantala s’yang makakalabas ng hospital,” sagot ng mangagamot.

 

“False antidote?” nagtatakang tanong ni Vesteria.

 

“Oo. Pansamantalang pipigilan ng false antidote ang magkaubos ng kanyang lakas but she has to take the real antidote soon or she will degenerate continuously hanggang sa tuluyang bumigay ang kanyang katawan. Nasa kanya na ang listahan ng mga materyales na kailangan para sa totoong antidote. Kung may tanong pa kayo, s’ya na lang ang kausapin n’yo. Her room is 409 but we will discharge her this afternoon,” paliwanag ng doktor.

 

“Salamat po,” sagot ng magkapatid pagkatapos ay mabilis na tumakbo papunta sa Rm. 409.

 

 

Ngayon higit na kailangan ni GM Amethy ang tulong ng buong RANbayan! Redi na ba kayong tulungan si GM Amethy na hanapin ang mga sangkap ng antidote na magbabalik ng kanyang nawalang kapangyarihan?

 

Kung feeling n’yo eh mumu kayo pagdating sa kabaitan, kawafuhan/kadandahan, at katapangan, then what are you waiting for? Join na kayo sa HUNT FOR GM AMETHY EVENT at manalo ng uber astig na mga prizes!

 

Mekaniks

1. Magpapakita si GM Amethy sa iba’t ibang mapa randomly.

2. Hintayin ang kanyang anawnsment dahil magbibigay s’ya ng clue kung saan s’ya makikita at kung ano ang bagay na kailangan n’ya.

3. Hanapin ang bagay na hinihingi n’ya, hanapin s’ya, at ibigay sa ito kanya.

4. Ang player na unang makakapag-trade kay GM Amethy ng required item ay bibigyan n’ya ng:

Musician Wear [M]
Pinky Wear [F]

 

Kaya wag nang magpatumpik-tumpik pa! Sali na kayo!